Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), umabot sa halos 3 milyong bagong botante ang nagparehistro kung saan mahigit 600,000 sa mga ito ay mga nagpa-reactivate na mga botante.
Umabot naman daw sa 5.3 milyon ang kanilang na-deactivate na botante matapos hindi makaboto nang dalawang sunod na eleksyon.
Patuloy naman na hinihikayat ng COMELEC ang mga Pilipino na magparehistro bago matapos ang itinakdang deadline ng voter’s registration sa September 30.
Ang mga paghahanda ng COMELEC sa darating na 2025 midterm elections, alamin sa panayam ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa #TheMangahasInterviews.